Home World

Category: World

Post
Vaccine bookings sa Quebec, Canada tumaas matapos ang anunsyong buwis sa hindi bakunado

Vaccine bookings sa Quebec, Canada tumaas matapos ang anunsyong buwis sa hindi bakunado

(Photo courtesy: Graham Hughes/The Canadian Press via AP) Tumaas ang bilang ng bookings para sa first dose ng COVID-19 vaccination sa Quebec, Canada Miyerkules, Jan. 12, ayon sa Quebec health minister. Ito ay isang araw matapos ianunsyo ng provincial government na sisingilin ng health tax ang mga residenteng hindi pa bakunado. “It’s encouraging!” ayon sa...

Post
WHO: Kalahati ng Europe population tatamaan ng Omicron variant sa susunod na 2 buwan

WHO: Kalahati ng Europe population tatamaan ng Omicron variant sa susunod na 2 buwan

(Photo courtesy: IFRC) Nagbabala ang World Health Organization na kalahati ng populasyon ng Europe ay maaaring tamaan ng Omicron variant ng COVID-19 sa susunod na anim hanggang walong linggo. “Today the Omicron variant represents a new west-to-east tidal wave, sweeping across the region on top of the Delta surge that all countries were managing until...

Post
Dalawang pulis sa Los Angeles, California, sinibak dahil sa Pokemon Go

Dalawang pulis sa Los Angeles, California, sinibak dahil sa Pokemon Go

Sinibak ang dalawang US police officers na imbes tumugon sa isang insidente ng nakawan sa Los Angeles, California ay mas piniling maglaro ng Pokemon Go. Nangyari ang insidente noon pang 2017. Kinilala ang dalawang pulis na sina Louis Lozano at Eric Mitchell na habang nagpapatrolya ay naghahanap ng Pokemon creatures. Sa recording mula sa kanilang...

Post
Puso ng baboy tagumpay na nai-transplant sa tao sa US

Puso ng baboy tagumpay na nai-transplant sa tao sa US

Matagumpay na nai-transplant ng mga doktor ang genetically-modified na puso ng baboy sa isang tao sa Amerika, ayon sa University of Maryland Medical School. Kasalukuyang mino-monitor ang 57 taong gulang na pasyenteng si David Bennett. “It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark,...

Post
Pope Francis tinawag na “moral obligation” ang pagpapabakuna laban sa COVID-19

Pope Francis tinawag na “moral obligation” ang pagpapabakuna laban sa COVID-19

(In photo: Pulong ni Pope Francis at mga miyembro ng diplomatic community sa Vatican, Jan. 10, 2022. Courtesy: Vatican Media) Tinawag ni Pope Francis na “moral obligation” ang pagpapabakuna laban sa COVID-19. “This translates into respect for the health of those around us. Health care is a moral obligation,” ayon sa Santo Papa. Sa pagpupulong...

Post
Tatlong Pilipinong pari itinalaga ni Pope Francis bilang ‘Chaplains to his Holiness’

Tatlong Pilipinong pari itinalaga ni Pope Francis bilang ‘Chaplains to his Holiness’

Itinalaga ni Pope Francis bilang “Chaplains to His Holiness” ang tatlong Pilipinong pari mula Eastern Samar. Dahil dito, makakamit nila ang titulong ‘monsignor.’ Ang mga Pilipinong pari ay sina Rev. Msgr. Lope Robredillo,  Rev. Msgr. Eutiquio “Euly” Belizar at Rev. Msgr. Romeo Solidon, buhat sa diocese ng Borongan City, Eastern Samar. Ang titulong ‘monsignor’ ay...

Post
US, nagtala ng 1 milyong bagong kaso ng COVID-19

US, nagtala ng 1 milyong bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng global record ang Estados Unidos sa pagkakaroon ng isang milyong bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na naiulat nitong Lunes, Jan. 3. Batay ito sa pagtatala ng Reuters kung saan walang nakikitang pagbagal sa pagkalat ng Omicron variant. Sa kabuuan, umabot sa 978,856 ang naitalang bagong kaso noong Lunes, ayon pa sa Reuters....

Post
Mga namamatay dahil sa COVID-19 sa Mexico, posibleng lumampas sa 300,000

Mga namamatay dahil sa COVID-19 sa Mexico, posibleng lumampas sa 300,000

Pinangangambahang malalampasan ng Mexico ang 300,000 mark ng mga nasawi sa COVID-19 ngayong linggo. Ayon sa Reuters, sumipa ang virus infections pagkatapos ng holiday season sa Mexico dahil sa Omicron variant at ang nangyaring pagluluwag sa turismo. Mahigit na sa doble ang COVID-19 infections sa Mexico nitong nakaraang linggo na umabot sa 20,000 matapos dumagsa...