(Photo Courtesy: Screengrab from POC) Pasok na sa quarter final ang Filipino flyweight boxer na si Carlo Paalam matapos niyang talunin si Mohamed Flissi ng Algeria via unanimous decision sa the Round-of-16 ngayong Sabado, July 31 sa Kokugikan Arena. Lahat ng limang judge ay nagbigay ng score na 30-27 pabor sa Bukidnon-born boxer. Ipinamalas ni...
Category: Headlines
PINABAYAANG HUKAY SA CALOOCAN, DELIKADO SA MGA MOTORISTA
Tila pinabayaan na at hindi na pinakialaman ng kontraktor ang naiwang hukay o butas sa kahabaan ng C3 road, Caloocan City. Halos isang linya na lang ang nadaraanan ng mga motorista dahil sa dalawang linya ang nasasakop ng nasabing hukay. Wala ring harang o anumang babala ang nakalagay upang magsilbing gabay sa mga moristang dumaraan....
LT. GEN. JOSE FAUSTINO, BAGONG AFP CHIEF
(Photo courtesy: AFP FB) Opisyal nang naupo bilang bagong Armed Forces of the Philippines Chief of Staff si Lieutenant General Jose Faustino Jr. ngayong araw, July 31. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque tiwala ang Pangulo na maipagpapatuloy ni Faustino ang “peace and development efforts” ng kanyang sinundang si dating AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana...
QUEZON CITY LGU, NAGBIBIGAY NG LIBRENG SWAB TEST PARA SA MGA FRONTLINE AT ESSENTIAL WORKER
Inilunsad ng Quezon City government ang free at expanded testing program para sa mga kumpanya, opisina,negosyo at iba pang ahensya ng gobyerno. Ang nasabing programa ay inilunsad para maiwasan ang pagkalat ng Covid 19 sa mga workplace o lugar ng trabaho. “We want to make sure that our frontliners and essential workers are safe in...
GINTO SA OLYMPICS, NAGHIHINTAY NA SA PINAY BOXER NA SI NESTHY PETECIO
(Photo courtesy: Eurosport website) Isa pang gintong medalya ang aabangan ng Pilipinas mula sa Tokyo Olympics. Ito’y matapos makaabante sa championship round ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio. Sa isang split decision,4-1, tinalo ni Petecio ang nakalabang si Irma Testa ng Italy sa semifinal round na nagsiguro na ng silver medal para sa kanya....
HALOS P5.2-M HALAGA NG SHABU, NAHARANG NG BOC
(Photo courtesy: BOC) Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA ang halos P5.2 milyong halaga ng shabu na tangkang ipuslit palabas ng bansa. Katuwang ng BOC ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Group (NAIA-IADIGT) nang maharang ang tatlong bagahe na naglalaman ng 763 gramo ng shabu o aabot...
CARDINAL ADVINCULA, PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA DELTA VARIANT
Hinimok ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa at maging handa sa patuloy na hakbang sa pagsugpo ng kumakalat na Delta variant ng corona virus. Ibinahagi ng Arsobispo na mahalaga ang pagsunod ng mamamayan sa mga alituntunin ng mga health experts lalo’t mapanganib ang Delta variant ng virus. “Mayroon tayong...
EJ OBIENA, PASOK NA SA FINAL NG OLYMPICS POLE VAULT
(File photo: EJ Obiena FB) Umabante sa pole vault final sa Tokyo Olympics si EJ Obiena. Ito’y matapos niyang maabot ang 5.75 meters sa ikatlo at huling try. Kung magkakataon, si Obiena ang unang Filipino track and field athlete na makapag-uuwi ng medalya mula sa Olympics matapos ang 85 taon. Gaganapin ang final round sa...
DRIVE THRU VACCINATION SA QUIRINO GRANDSTAND, BUKAS NA
(Photo Courtesy: Manila PIO FB) Binuksan na ngayong Sabado, July 31 ang COVID-19 drive thru vaccination site sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila. Ayon kay Mayor Isko Moreno, maaring magpabakuna rito ang mga may dalang sasakyan upang mabawasan ang mga pumipila sa mga vaccination sites sa lungsod. May proseso pa rin ang pagpapabakuna sa...
CHAIRMAN ABALOS: MGA RESIDENTE SA NCR, TATANGGAP NG AYUDA SA ECQ SA AUGUST
(File Photo) Mamamahagi ng ayuda ang national government sa mahihirap na pamilya sa Metro Manila kapag inilagay na ito sa ECQ o hard lockdown sa August 6-20, 2021. Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, Biyernes, July 30. Nagkasundo ang 17 Mayor ng National Capital Region na ilagay ang Metro Manila...