Smoke-Free Manila Bay, inilunsad ng DOH
Spread the news on:

(Photo: Paglulunsad ng Snoke free Manila Bay. Nov. 29, 2022. Courtsesy: PTV FB)

Inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) nitong Martes, November 29 ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay.

Nagsagawa ng programa ang DOH sa Baywalk Dolomite Beach bilang bahagi ng selebrasyon ng Lung Cancer Awareness Month.

Layunin ng kampanya na itaguyod at isulong ang isang “breathable environment” kung saan ang publiko ay maaring magpalipas ng oras habang naglilibang.

Sa nasabing kampanya, nangako ang ibat-ibang ahensya at NGOs ng “No Smoking” sign na ilalagay sa Dolomite Beach.

Kasama rito ang Metropolitan manila Development Authority at Manila LGU gayundin ang pribadong sektor tulad ng Action on Smoking & Health (ASH) at Philippines and Asia Pacific Cities Alliance for Health and Development (APCAT).

Noong 2020, ipinakita sa datos mula sa World Health Organization (WHO) Global Cancer Observatory  na ang lung cancer ay nanatiling pangalawang pinakalaganap na sakit at ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay.

Sa Pilipinas, 19,180 na bagong lung cancer ang naitala para sa parehong kasarian na katumbas ng 12.5 percent ng lahat ng kaso ng cancer sa bansa.

Ang nasabing porsyento ay pangalawa sa pinakamataas sa lahat ng uri ng cancer na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso.

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Smoke-Free Manila Bay kasama ang mga multi-sectoral partner agencies, sinabi ng DOH-MMCHD na umaasa ang maraming Pilipino na makita ang paninigarilyo bilang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga kaya hindi sila hinihikayat sa nasabing bisyo.

Sa lungsod ng Maynila P2,000 ang multa sa sinumang indibidwal na lalabag sa Anti-Smoking Ordinance.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.