Pilipinas, planong mag-angkat ng pulang sibuyas
Spread the news on:

(File)

Planong mag-angkat ng Pilipinas ng sibuyas para tugunan ang market demand sa gitna ng pagtaas ng presyo nito, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Inamin ni DA Deputy spokesperson Rex Estoperez na mayroong problema sa supply ng red onions, kung saan 5,000 metric tons lamang ang inaasahang maaani sa susunod na buwan.

“Maliit kasi ang ating imbentaryo sa pula. Naghihintay tayo sana ng harvest pero ang peak season pa niyan [ay] sa February. Sa ngayon, mga 13,000 [metric tons] ang ine-expect natin by December, pero kokonti pa rin ‘yun,” pahayag ni Estoperez.

Sinabi naman ni DA Assistant Secretary and spokesperson Kristine Evangelista na natuklasan nila na may ilang mga nagbebenta ang tinaasan ang presyo nito hanggang P300 kada kilo.

Sa nalalapit na kapaskuhan, sinabi ni Estoperez na kailangan din umano nilang i-check ang imbentaryo ng sibuyas sa cold storage facilities.

“Ang gagawin namin siguro sa ngayon, titignan namin saan nanggagaling ito. Worst case is that mag-i-import na naman tayo para matugunan ‘yung pangangailangan especially magho-holiday na. Kung kailangan nating mag-import, mag-import tayo,” ayon pa kay Estoperez.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.