Pagbabawal ng BFAR na magbenta ng pink salmon at pampano sa wet market gustong paimbestigahan ng Kongreso
Spread the news on:

(Photo: Ipinapakita ni Assistant Director for Administrative Services Zaldy Perez (gitna) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Dept. of Agriculture ang isa sa imported na isda sa Commonwealth Market, Quezon City. Nov. 24, 2022 / Courtesy: PNA photo by Ben Briones)

Naghain ng resolusyon si Congressman Elpidio Barzaga Jr., ng fourth district ng Cavite para imbestigahan ng Kamara ang pagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pagbebenta ng salmon at pampano sa mga palengke.

Ayon kay Barzaga, dapat maipaliwanag ng BFAR ang legal na basehan ng kautusan.

Kailangan din aniyang imbestigahan kung nakapaloob ang hakbang na ito ng BFAR sa laws and regulations gaya ng Philippine Fisheries Code of 1988 at Fisheries Administrative Order 195.

Aniya layon din nitong matukoy kung may paglabag ito sa konstitusyon, may diskriminasyon sa mga lokal na mangingisda at hindi napo-protektahan ang publiko.

Nararapat ding magkaroon ng imbestigasyon para malaman kung sakop ba ng kautusang ito ang local fish vendors at insitutional buyers.

Sa Laging Handa Public Briefing nitong Lunes, November 28, nilinaw ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na ang naturang crackdown ay hindi na bago o huli na sa pagpapatupad ng FAO 195.

Samantala, una nang ipinag-utos ng Ombudsman an imbestigahan ang crackdown sa mga nasabing imported na isda sa mga palengke.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.