Naturalization ni PBA player Justin Brownlee, lusot na sa Kamara
Spread the news on:

Inaprubahan ng Kamara nitong Martes, Nov. 29, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayon na gawaran ng Philippine citizenship si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee.

Sa botong 274-0-1, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill 6224 na gumagawad ng citizenship kay Brownlee, na magiging daan para makapaglaro siya  para sa national basketball team bilang naturalized player.

Mula nang dumating sa bansa noong 2016, si Brownlee ay import ng Ginebra sa PBA. Tinulungan niya na makakamit ng limang championships ang “crowd favorites” at dalawang beses na itinanghal na Best Import of the Conference.

Inihain din ang parehong mga panukala sa Senado at naghihintay ng approval.

Kapag naaprubahan ang kanyang naturalization, ita-transmit na ito sa Office of the President upang maisabatas.

Inaasahang makakasali si Brownlee sa Gilas Pilipinas frontcourt sa February window ng 2023 FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers laban sa Lebanon at Jordan.

Kasalukuyang mayroong 5-3 win-loss card ang Pilipinas sa FIBA World Cup qualifiers.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.