DOLE inilabas ang sample computation ng 13th month pay sa pribadong sektor
Spread the news on:

(File)

Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes, November 28, ang guidelines para sa pagbabayad ng 13th month pay ng mga regular na empleyado sa pribadong sektor.

Sa Labor Advisory No. 23, pinaalalahanan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga employer na ibinigay ang computation ng mandatory benefit para sa mga manggagawa.

Sa ilalim ng mga alituntunin, ang pinakamababang halaga ng 13th month pay ay hindi dapat mas mababa sa ika-labindalawa (1/12) ng kabuuang pangunahing sweldo na kinikita ng isang empleyado sa loob ng isang taon ng kalendaryo.

“To illustrate: Total basic salary earned during the year/12 months = proportionate 13th month pay. Using the minimum wage in the National Capital Region at P570 per day and a six-day workweek or an equivalent Monthly Basic Salary of P14,867.50 (P570.00*313/12 months). P172,140/12 months = P14,345 is the proportionate 13th month pay,” saad sa komputasyon ng DOLE.

Ang mga may karapatan sa 13th month pay ay mga rank-and-file na empleyado sa pribadong sektor anuman ang kanilang posisyon, pagtatalaga o katayuan sa pagtatrabaho at anuman ang paraan kung paano binabayaran ang kanilang sahod sa kondisyon na sila ay nagtrabaho sa hindi bababa sa isang buwan sa taon ng kalendaryo.

Idinagdag nito na ang benepisyo ay dapat bayaran sa o bago ang Disyembre 24.

“Compliance with the 13-month pay shall be enforced by the appropriate DOLE Regional/Field/Provincial Office having jurisdiction over the workplace in accordance with the prescribed rules and regulations,” dagdag pa sa abiso.

Kasabay nito, sinabi ng utos na walang magiging exemption o deferment sa pagbibigay ng bonus ng mga empleyado.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.