BSKE registration kasado na sa Dec. 12
Spread the news on:

Magsisimula ang voter registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre 12, 2022, base sa Commission on Elections (Comelec).

Gugulong ang rehistrasyon hanggang Enero 31, 2023.

Maaaring pumunta ang registrants sa opisina ng election officer o satellite registration sitessa kani-kanilang lugar mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, tuwing alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kasado ang BSKE sa Oktubre 2023.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.