P5.2-B pang-ayuda para sa mahihirap inilabas ng DBM
Spread the news on:

(File photo)

Naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng P5.2 bilyon para pondohan ang isang buwang kinakailangan ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang Special Allotment Release Order ay inaprubahan noong Nobyembre 17 at sinisingil sa ilalim ng Unprogrammed Appropriation, ayon sa DBM.

Dagdag pa ng ahensya, ang halaga ay sumasaklaw sa ikatlong tranche ng TCT program kung saan inaasahang makikinabang ang 9.8 milyong benepisyaryo.

Ang TCT program ng DSWD ay namamahagi ng unconditional cash transfer na P500 sa pinakamahirap na naapektuhang kabahayan kada buwan sa loob ng 6 na buwan.

Layon nitong mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang mga bilihin, sabi ng DBM.

Nauna nang naglabas ang DBM ng P10.33 bilyon sa DSWD para sa 2 buwang cash transfer para sa 10 milyong household beneficiaries.

Binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang napapanahong pagpapalabas ng cash transfer ay napakahalaga sa pagtulong sa mga kababayang apektado ng inflation.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.