Number coding scheme sa Metro Manila suspendido sa Nobyembre 30, Bonifacio Day
Spread the news on:

(File photo. Courtesy: MMDA)

Suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila sa Nobyembre 30 sa pagdiriwang ng Bonifacio Day, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme mula 7am-10am at 5pm-8pm sa Nobyembre 30, Miyerkules, Bonifacio Day,” base sa abiso ng MMDA.

“Planuhin ang iyong biyahe, sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho,” dagdag ng ahensya.

Ang Bonifacio Day ay ipinagdiriwang upang gunitain ang kaarawan ni Andres Bonifacio, ang founder ng Katipunan na siyang naglunsad ng rebolusyon noong 1986 laban sa mga Kastilang mananakop.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.