Halos 600 pang pamilya graduate na sa Pantawid Program
Spread the news on:

(File photo. Courtesy: DSWD)

Tinatayang 588 pamilya ang naka-graduate na sa conditional cash transfer program ng gobyerno na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng certificates of recognition mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang seremonya sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ayon sa DSWD, ang isang family-beneficiary ay maituturing na self-sufficient household o graduate na sa programa kung ito’y may sapat na kita, may kakayahan nang suportahan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at nakamit ang unang dalawang antas ng Social Worker Development Indicators (SWDI), na Survival at Subsistence Levels.

Ang mga magsisipagtapos ay susubaybayan din ng kani-kanilang local government units para sa posibleng pagkakaloob ng iba pang nararapat na tulong upang mapanatili o mapaunlad pa ang kanilang katayuan.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang poverty alleviation program ng national government na nagbibigay ng conditional cash grants sa lubhang mahihirap na pamilya upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon partikular ang mga batang edad 0 hanggang 14.

Ang bawat benepisyaryo ng sambahayan ay makatatanggap ng mga cash grant para sa maximum na limang taon.

Sinabi ni 4Ps National Program Manager Gemma Gabuya na nasa 400,000 benepisyaryo pa ang nalalapit na ring magtapos sa nasabing programa.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.