ERC: 7.5M kostumer ng Meralco, apektado ng TRO sa power deal
Spread the news on:

Maaapektuhan ang humigit kumulang sa 7.5 milyong kostumer ng Meralco Temporary Restraining Order (TRO) sa supply ng kuryente sa pagitan ng South Premier Power Corp. at Manila Electric Co., ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay ERC Chairperson at CEO Monalisa Dimalanta, ang mga customer ng franchise area ng Meralco sa Metro Manila at mga katabing lugar ay magkakaroon ng mas mataas na presyo ng kuryente.

“We are talking about 7.5 million consumers that will be affected if and when the TRO (temporary restraining order) is implemented,” aniya sa interview sa ANC.

Naglabas ang Court of Appeals ng TRO noong Nobyembre 24, PSA sa pagitan ng SPPC, isang subsidiary ng listed conglomerate ng San Miguel Corp. at Meralco.

Ang kahilingan para sa temporary relief ay nag-ugat sa desisyon ng ERC noong Setyembre na tanggihan ang magkasanib na petisyon ng SPPC at Meralco para sa pagtaas ng singil sa kuryente.

Iginiit ng SMC na ang Sual Coal at Ilijan Natural Gas power facilities ng energy arm nito na SMC Global Power Holdings Corp. ay nagkaroon ng pagkalugi ng P15 bilyon mula noong 2021 dahil sa mataas na presyo ng karbon.

Ngunit binanggit ng regulatory body na ang PSA ay ‘fixed in nature’, at ang mga batayan para sa pagtaas na binanggit ng SPPC at Meralco ay hindi kabilang sa mga exemption na magbibigay-daan para sa pagsasaayos ng presyo.

Dahil sa fixed-price PSA ng Meralco na may SPPC na sumasaklaw sa 670 megawatts ng supply, sinabi ni Dimalanta na ang mga kostumer ay naprotektahan mula sa pabago-bagong presyo mula sa WESM (Wholesale Electricity Spot Market) at automatic fuel pass-through PSAs.

“Siyempre, ang gusto natin ay maprotektahan ang lahat ng consumers, hindi lang ang Meralco consumers sa pagtaas ng presyo. Ngunit kung talagang haharap tayo sa pagtaas ng mga presyo, gusto natin na nakabatay sila sa batas at nakabatay sa aktuwal na gastos na natamo,” ayon pa kay Dimalanta.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.