Solgen Guevarra: Bucor ibalik ang “full control” sa DOJ
Spread the news on:

(File)

Naniniwala si  Solicitor General  Menardo Guevarra na dapat pag-aaralan ng kongreso na ibalik ang full control ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Department of Justice (DOJ).

Kasunod na rin ito ng ilang problema at isyu sa New Bilibid Prison, kung saan dawit pa ang mga dating opisyal. Ayon kay Guevarra, malalim na ang mga problema sa Bucor at posibleng naging institutionalized na kaya kinakailangan ito ng matinding pagbabago.

“Congress should consider restoring the “full control, instead of mere supervision” of the Department of Justice (DOJ) over the Bureau of Corrections (BuCor),” ayon kay dating Justice Secretary at ngayon ay Solicitor General Menardo Guevarra.

“[M]ost of the shenanigans at the BuCor are very deeply rooted and institutionalized. It really needs total overhaul,” sabi pa ni Guevarra.

Matatandaang ilan sa mga kontrobersiya sa New Bilibid Prison ang pagkakapasok ng ilang kontrabando, pagkakadawit ni suspended Bucor Chief Gerald Bantag at ilang preso sa Percy Lapid murder case at ang pagkakadiskubre sa hukay malapit sa kulungan.

Si Guevarra ay dati ring nagsilbi bilang secretary ng Department of Justice noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon ay limitado aniya ang supervisory power ng DOJ sa Bucor dahil sa naipasang Bucor Modernization Law.

Naging autonomous ang BuCor sa bisa ng Republic Act No. 10575 o ng the BuCor Act of 2013.

“The DOJ now merely supervises, but does not exercise control over the BuCor. But still the DOJ steps in whenever the BuCor exceeds the limits of its powers,” sabi ni Guevarra.

Sa mga naunang interview, sinabi ni Guevarra na kailangang ma-review ang batas na nagtanggal sa control ng DOJ sa bureau.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.