Sanhi ng pagtaas ng presyo ng sibuyas sinisiyasat ng DA
Spread the news on:

Patuloy na iniimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng pagsipa ng presyo ng pulang sibuyas.

Ayon kay DA Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista, batay sa monitoring, naglalaro sa P300 kada kilo ang bentahan sa ilang palengke.

“Ngayon po kami ay nakikipag-ugnayan sa Bureau of Plant Industry (BPI) para makita po natin ang supply situation, para makita po natin ang kadahilanan ng pag-spike ng presyo,” ani Evangelista sa public briefing.

Sa datos ng DA, lumalabas na noong Biyernes, Nobyembre 25,  namonitor ang presyo ng lokal na pulang sibuyas sa P280 kada kilo sa Metro Manila. Walang pinagabago ang presyo sa na nakalipas na linggo.

Nang usisain kay Evangelista ang estado ng supply ng sibuyas, sinabing hinhintay pa ng DA ang report mula sa BPI kaugnay sa inventories sa mga storage facility.

Inaasahan, aniyang magsisimula ang ani ng sibuyas ng mga magsasaka sa bansa sa Disyembre.

“Alam naman po natin na ‘pag nadagdagan ang ating supply, ‘yan po ay makakatulong sa pagbaba ng presyo at sa price stability more than anything po,” ayon sa opisyal.

Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga magsasaka para malaman kung kailan ang pag-harvest ng puting sibuyas na kadalasan namang kailangan ng mga industrial buyer.

“Tayo ay nakikipag-ugnayan sa kanila para ang ating datos ay hindi lamang po nanggagaling from our food supply outlook but galing po mismo sa ating magsasaka,” pahayag ni Evangelista.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.