Oil companies may bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo
Spread the news on:

Magpapatupad ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Nobyembre 29, 2022.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, bigtime ang tapyas-presyo sa diesel na P3.95 kada litro. Sa Gasolina naman P0.85 at sa kerosene na P2.65/L.

Una nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero sa panayam ng PTV, na ang pagtaas ng COVID-19 cases sa mainland China, mas mataas na imbentaryo ng krudo sa United States at price cap sa krudo mula Russia ang mga pangunahing dahilan ng malakihang bawas sa fuel prices.

Noong nagdaang Martes, Nov. 22, nagpatupad din ng pagbaba ng presyo sa gasolina na P0.40, sa diesel naman ay P2.15, at kerosene P2.10.

Base sa monitoring ng Department of Energy (DOE) mula Enero ngayong taon hanggang noong Nobyembre 22, ang kabuuang itinaas sa presyo ng gasolina ay aabot na sa P17.75, P33.85 sa diesel, at P27.85 sa kerosene.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.