Chinese national huli sa pekeng motorcycle accessories
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Pixabay)

Nagbabala ang pulisya sa publiko partikular sa mga motorcycle rider  matapos maaresto ang isang Chinese national.

Nakumpiska kasi sa isang Chinese national ang daan-libong halaga ng pekeng items at accessories sa kanilang tindahan sa Divisoria, Maynila.

Kapwa naaresto ang Chinese national na si Jenifer Ong, 21, dalaga, sekretarya ng kumpanyang Sky–Light Motorcycle Parts and Accessories Trading Store sa loob ng isang mall sa Divisoria, Maynila at helper na si Mario Sendona, 38.

Sa ulat ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), dakong alas-4:30 ng hapon nang salakayin nila ang naturang tindahan makaraan na magreklamo ang isang Wilmar Ramirez, 41, quality control officer ng JRP-Thailand Motorcycle Parts and Accessories Store dahil sa ibinibentang pekeng motorcycle accessories na may brand nila.

Agad na kumuha ng search warrant ang MPD-SMaRT sa Manila City Regional Trial Court Branch 45 at ipinatupad sa naturang tindahan.  Dito natuklasan ang anim na kahon ng JRP seat cover; 10 sako ng JRP seat cover; anim na kahon ng JRP handle grip; dalawang crates ng JRP key chain at isang sako ng JRP handle bar cover.

Nagkakahalaga lahat ng mga items ng higit sa P100,000.00.

Inaresto ng mga pulis ang inabutan sa tindahan na si Ong at Sendona.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) at Section 168 (Unfair competition) ng RA 8293 (Intellectual Property Rights) ang mga nadakip habang inaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng tindahan.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.