Tinapyas na P50-B budget sa railway projects ibinalik ng Senado
Spread the news on:

(Photo: North-South Commuter Railway Project. Courtesy: Dating DOTr Sec. Arthur Tugade)

Ibabalik ng Senado ang P50 bilyong pondo na unang tinanggal para sa ilang railway projects gaya ng North-South Commuter Railway Project at Metro Manila Subway Project.

Sinabi ni Senador JV Ejercito na alinsunod ang desisyon sa panukalang pag-amyenda sa P5.268 trilyon national budget para sa 2023 na inaprubhan sa huling pagbasa ng Senado nitong Miyerkules.

“Metro Manila’s public transportation system was recently ranked among the world’s worst. This is the reason why I fought to restore the budgets of the North-South Commuter Railways and the Metro Manila Subway Project,” aniya sa statement.

“This will not only be of convenience for all Filipino commuters but also a key driver for economic growth and development,” giit niya.

Aabot sa P40 bilyon ang inilaang pondo para sa North-South Commuter Railway Project at P10 bilyon sa Metro Manila Subway Project.

Unang kinuwestiyon ni Ejercito ang isyu sa tinapyas na budget sa unang interpelasyon nito sa panukalang pondo ng Department of Transportation (DOTr).

Sa bersyon ng Senado, tinanggal ang P69 bilyon mula sa unprogrammed appropriations na ipambabayad sa live contracts.

Gayunman, ipinaliwanag ni Ejercito na dapat ibalik ang pondo dahil kapag binawasan ito, makakaaapekto ito sa schedule ng construction at maaaring magkaroon din ng karagdagang gastusin.

Ang P448.47 bilyong subway project ay inutang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Sa 2028, inaasahang makukumpleto ang proyekto at maaaring maglulan ng 519,000 pasahero kada araw. Nagsimula na nitong Biyernes ang Bicameral conference committee upang talakayin ang 2023 national budget.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.