LRT1 tigil-biyahe sa susunod na weekend, Dec. 3-4
Spread the news on:

(File)

Suspendido ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa susunod na weekend o sa December 3, Sabado at December 4, Linggo.

Ayon sa private operator nito na Light Rail Manila Corp. (LRMC), gagawin sa mga nasabing petsa ang reintegration ng LRT-1 Roosevelt Station kasama na ang nalalabing 19 operational stations mula Baclaran hanggang Balintawak.

Sa weekend closure, ikakasa ang readiness tests at trial runs, para masuri ang pagsama sa Roosevelt area sa bagong Alstom signaling system.

“We advise our passengers to plan their trips ahead. We assure the public that the upcoming weekend closure with temporary inconvenience will result in long-term benefits for our commuters. In coordination with our private and government partners, it will be all hands on deck to ensure a safe and successful resumption of commercial operations for the full line,” ayon kay LRMC chief operating officer Rolando Paulino III.

Kapag pumasa sa operational exercises, target na simulan ang operasyon ng LRT1 Baclaran Station hanggang LRT1 Roosevelt Station sa December 5, Lunes.

Pansamantalang isinara ang LRT1 Roosevelt Station noong Setyembre 5, 2022, para bigyang daan ang pagtatayo ng Common Station o Unified Grand Central Station (UGCS) na layong ikonekta ang lahat ng systems ng LRT1, MRT3 at MRT7 para maaari nang lumipat nang mabilis ang commuters mula sa isang rail patungo sa kabila nang hindi na lumalabas sa iisang istasyon.

(NP with report from Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.