BOC: Higit P2-M cocaine nasamsam sa isang warehouse sa Taguig
Spread the news on:

(Photo Courtesy: BOC)

Aabot sa P2.65 milyong halaga ng cocaine ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Taguig City.

Bitbit ang Letter of Authority na nilagdaan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nakipag-ugnayan ang BOC team sa Philippine National Police (PNP) at binisita ang storage facility sa East Service Road, Taguig City noong November 22.

Nadiskubre ng mga otoridad sa nasabing lugar ang nasa 500 gramo ng hinihinalang cocaine, ibat-ibang e-cigarettes o vape cartridges na naglalaman ng hinihinalang  marijuana oil at humigit kumulang na 30 gramo ng hinihinalang kush o (hybrid marijuana).

(Photo: Nasamsam na kush o hybrid marijuana sa warehouse sa Taguig City. Courtesy: BOC)

Ang iba pang nakumpiska ay mga identification cards, maliit na transparent glass at plastic tube container na may hinihinalang marijuana oil, assorted paraphernalia, isang  bag ng empty capsules at ilang ziplock bags na may residue ng hinihinalang  illegal drugs.

Itinurn-over na sa PDEA laboratory service ang mga nasamsam para sa  pagsusuri at paghahain ng kaukulang mga kaso.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.