1,500 pulis ipakakalat sa Divisoria at Paskuhan 2022 sa Maynila
Spread the news on:

(Photo: Mga namimili sa Divisoria, Maynila)

Inihahanda na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang paglatag ng mahigpit na seguridad sa Divisoria, Maynila para sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili ngayong Christmas season at “Paskuhan” 2022.

Sa panayam kay MPD spokesperson P/Major Philipp Ines, dalawang istasyon ng pulisya ang maghahati para sa deployment.

Sa Moriones, Tondo o Station 2  sa pamumuno ni P/Lt. Harry Lorenzo III ay  magpapakalat ng 70 personnel habang  80 personnel naman ang ide-deploy ng Station 11 sa pamumuno ni PLt/Col. Rexson Layug sa mga kanto at kahabaan ng Divisoria.

May dagdag-personnel din na naka-standby mula sa MPD.

Gayunman sa pag-arangkada ng Paskuhan 2022  na magsisimula sa Disyembre 16 o Simbang Gabi at matatapos sa Enero 6 ay magiging full blast na ang deployment ng mga pulis.

Ibig sabihin ay madaragdagan pa ang mga pulis na ipakakalat sa matataong lugar na aabot sa 1,500 personnel.

“Lahat ng pamamaraan ginagawa natin para mabantayan ang ating mga kababayan at mayroon tayong coverage security plan,” sabi ni Ines.

Mahalaga, aniya, na sa pagdagsa ng tao lalo na sa Divisoria na palakasin ang presensya ng kapulisan kung saan inaasahan din ang paglaganap ng mga krimen gaya ng nakawan, panloloko at pamemeke ng pera.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.