Utos ni Pope Francis na ayusin ang pamumuno sa Caritas Internationalis, suportado ng Caritas Philippines
Spread the news on:

(File photo)

Suportado ng Caritas Philippines, ang humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kautusang inilabas ni Pope Francis na ayusin ang pamumuno sa Caritas Internationalis (CI).

Sinabi ni Bishop Jose Colin Bagaforo, presidente ng Caritas Philippines, na ang desisyon na ayusin ang organisasyon ay hindi ukol sa korupsyon o hindi maayos na pamamahala ng pondo.

“The decree was unexpected and a big surprise but we welcome the decision of the Holy Father with the hope that Caritas would truly be faithful to its identity and mandate. We believe it is for the good of Caritas and its people. But we would like to reiterate that the reorganization is not due to corruption or mismanagement of funds,” sabi ng Obispo sa isang pahayag.

Itinalaga ni Pope Francis si Pier Francesco Pinelli bilang pansamantalang administrator ng Caritas Internationalis. Siya rin ay kilalang organizational consultant at administrator.

“The timing was good because most of us are here and the opportunity for realignment of its internal structure and standard operating procedures is needed as we prepare to elect new leadership by May 2023. We assure the public that Caritas around the world, including Caritas Philippines, is aware of what is happening and is in solidarity with CI,” dagdag pa ng Obispo.

Ayon naman kay Fr. Tony Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, konektado sa general assembly sa susunod na taon ang naging desisyon ng Santo Papa.

“We would like to stress that the move of the Holy Father to declare all CI management positions vacant was in view of the 2023 general assembly and that the structure of CI is still intact. As members of the representative council from the seven regions, we are tasked to review the statutes and proposals for improvements of CI and the confederation,” paliwanag ni Labiao .

Kinakatawan ng Caritas Philippines ang bansa sa CI, isang confederation ng 162 Catholic social service organizations na nag-o-operate sa mahigit 200 bansa at teritoryo sa buong mundo.

Misyon ng mga miyembrong organisasyon ay tumulong sa mahihirap at naaapi.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.