Pulis Caloocan, guilty sa pag-torture at pagtatanim ng ebidensya sa isa sa mga biktima ng Duterte drug war
Spread the news on:

Hinatulan ng isang Caloocan Regional Trial Court na guilty sa torture at pagtatanim ng ebidensya ang pulis na dawit sa pagpatay sa mga kabataang sina Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman noong kasagsagan ng madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Sa desisyong inilabas ng Public Attorney’s Office, nagpasya ang Caloocan City Regional Trial Court Branch 122 na si Patrolman Jeffrey Perez ay “guilty of beyond reasonable doubt” sa lahat ng krimeng isinampa laban sa kanya.

Ayon sa Korte, nilabag ni Perez ang Section 4 at 14 ng Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act of 2009 kina Arnaiz at De Guzman.

Hinatulan din na nagkasala si Perez sa pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa kaso ni Arnaiz.

Reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkabilanggo ang kaparusahang ipinataw ni Presiding Judge Rodrigo Pascua Jr. kay Perez para sa pagpapahirap kay De Guzman at pagtatanim ng ebidensya sa kaso ni Arnaiz.

Inatasan din ng Korte si Perez na bayaran ang pamilya nina Arnaiz at De Guzman ng moral damages na P1 milyon, at exemplary damages na P1 milyon, o kabuuang P2 milyon kada tagapagmana ng mga biktima.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.