Mahigit 700 kilos smuggled na dilaw na sibuyas nasamsam sa mga palengke
Spread the news on:

(Photo: Smuggled na sibuyas na ibinagsak sa merkado nakumpiska. Courtesy Department of Agriculture)

Nasamsam ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit P200,000 halaga ng smuggled na dilaw na sibuyas sa ilang palengke sa Metro Manila.

Aabot sa 105 sako ng yellow onions ang nakumpiska sa Divisoria, Maynila, Mutya ng Pasig at Balintawak market sa Quezon City.

May kabuuang timbang ito na 744 kilos na nagkakahalaga ng P225,000.

Agad na itinapon ng mga otoridad ang mga smuggled na sibuyas.

Nangako ang DA na paiigtingin ang koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno para maiwasan ang pagdami ng mga smuggled agricultural commodities sa merkado.

Katuwang ng DA at Bureau of Plant Industry (BPI) ang  Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para masugpo ang pagpasok sa bansa ng smuggled ng mga produktong pang-agrikultura.   

“We will continue to work with other agencies of the government to protect the livelihood of our farmers and fishers,” ani Assistant Secretary and DA-Wide Field Inspectorate James Layug.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.