DOH: 14 unang kaso ng omicron subvariant BQ.1 natuklasan sa bansa
Spread the news on:

(File photo)

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na natuklasan sa bansa ang mga unang kaso ng omicron subvariant na BQ.1 na sinasabing mas nakahahawa at may mataas na kakayahang takasan ang proteksyong dala ng bakuna kontra COVID-19.

14 kaso ang na-detect na tinamaan ng BQ.1, base sa sequencing na isinagawa noong Oktubre 18 hanggang Nobyembre 18.

Ang mga pasyente ay mula sa Cordillera, Ilocos Region, Calabarzon, Central Visayas at Metro Manila, ayon sa DOH.

“What we know so far from this BQ. 1 would be that it is more transmissible and also it is highly immune-evasive compared to other subvariants of omicron,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa press briefing ngayong Biyernes, Nobyembre 25.

Gayunman, bukod sa mas nakahahawa, hindi pa alam ang iba pang mga katangian ng BQ.1 na sublineage ng omicron BA.5.

Sinabi rin ni Vergeire, na lumalabas na hindi ganoon katindi ang epekto nito kumpara sa Delta variant at ang original strain.

Itinuturing ng European Center for Disease Control bilang variant of interest (VOI) ang BQ.1.

Sinasabi rin na ang BQ.1 ang sanhi ng pagtaas ng COVID-19 infections ngayong sa US, UK at iba pang mga bansa sa Europa.

Kinumpirma rin ng United States’ Center for Disease Control, na kalahati ng kasalukuyang COVID-19 cases sa Amerika ay bunsod ng BQ.1 at BQ.1.1 subvariants.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.