Cashless system sa mga expressway muling inihirit
Spread the news on:

(File: NLEX San Fernando, Pampanga toll plaza)

Inaprubhan ng House Committee on Transportation ang mosyon na humihirit na ipatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang cashless transactions sa lahat ng expressways.

Itinulak ito ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma at sinang-ayunan ng mga miyembro ng komite.

Idinagdag ito sa House Resolution 159, na humihikayat sa DOTr at attached agencies na pabilisin ang implementasyon ng Phases 2 at 3 ng Toll Interoperability Project.

Ini-adopt ang House Resolution 159 ng committee members sa hearing.

Noong 2020, ipinalabas ng DOTr ang Department Order 2020-012, na nagre-require sa lahat ng toll operators na lumipat sa cashless transactions sa pamamagitan ng paggamit ng RFIDs upang maiwasan ang panganib ng COVID-19.

Subalit, sinuspinde ang implementasyon nito dahil sa problema na kinaharap ng toll operators at mga motorista.

“The expectation (is) that you have a fast movement going to the airport, (But) there are motorists paying in cash. Ang problema, walang change. Instead of mabilis ang movement natin, nagiging mabagal,” ani Palma.

Sinabi naman ni Raoul Romulo, treasurer at chief financial officer ng San Miguel Corporation SLEX Inc. na bagama’t gumagawa sila ng paraan upang pabilisin ang cash transactions, pero ang pagbabayad ng cash ay talagang nagdudulot ng trapiko sa kahabaan ng toll booths kumpara sa paggamit ng RFID tags.

“We have been pushing for the cashless situation for such a long time,” pahayag ni Romulo.

“We would like this to be implemented as soon as possible,” dagdag pa niya.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.