Air Asia Philippines tiniyak na walang nakompromisong data ng mga pasahero sa malware attack
Spread the news on:

(File photo)

Tiniyak ng AirAsia Philippines sa mga pasahero na walang nakompromiso sa kanilang sensitibong data sa pag-atake ng ransomware sa parent firm nito, ang Capital A.

Ang Ransomware ay isang malware (malicious software) na ginagamit ng mga cyber attacker upang tanggihan ang access sa data ng mga biktima, o pagbabantaan silang magbayad ng ransom para hindi mai-publish ang data.

“Capital A, after an attempted ransomware attack recently, is reinforcing its cybersecurity system. It’s business as usual in AirAsia Philippines,” pagsisiguro ng local carrier.

Dagdag pa ng AirAsia na agad kumuha ang Capital A ng IT experts para maresolba ang insidente.

Nagsagawa na ang kumpanya ng information campaign, at hiniling sa mga empleyado na baguhin ang kanilang mga password.

Samantala, sinabi naman ng National Privacy Commission (NPC) na walang nakitang indikasyon na nasangkot ang Philippine data sa pag-atake ng ransomware laban sa AirAsia.

Naganap ang pag-atake sa AirAsia noong Nobyembre 11 at 12, kung saan inaangkin ng hacker group na nagpakilalang Daixin ang responsibilidad.

Batay sa reports, pakay diumano ng Daixin na makipag-areglo sa Air Asia para sa ransom kapalit ng pagtanggal sa nakompromisong data.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.