Ultra Lotto 6/58 jackpot tinatayang aakyat sa P283 M ngayong Biyernes
Spread the news on:

Tinatayang aakyat sa hanggang P283 milyon ang Ultra Lotto 6/58 jackpot para sa draw sa Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Wala kasing nakakuha sa P269 milyon na jackpot sa draw noong Martes ng gabi na may winning combination na 08-03-21-51-07-58.

Gayumpaman, nasa 24 mananaya ang nakahula ng limang winning numbers na nanalo ng P120,000 bawat isa, habang nasa 1,370 ang nakakuha ng P2,000 bawat isa para sa apat na tamang digits.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.