Note verbale ng Pilipinas ipinadala na sa China
Spread the news on:

(File)

Nagpadala na ang Pilipinas ng note verbale sa China matapos na sapilitan umanong kunin ng Chinese coast guard ang “unidentified floating object” na nakuha ng Philippine Navy malapit sa Pag-asa Island.

“Naglabas na kami ng note verbale, humihingi ng paglilinaw mula sa China sa insidente. Kami, siyempre, ay may sariling mga ulat, ngunit nais naming marinig ito mula sa panig ng Tsina, ” ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa CNN Philippines nitong Huwebes, November 24.

Idinagdag pa niya na patuloy na pinag-aaralan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidente, pati na kung may karagdagang diplomatikong aksyon na kailangang gawin.

Iniulat ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines noong Lunes, Nov. 21, na ang hindi pa nakikilalang lumulutang na bagay na nakuha ng Philippine Navy sa Pag-asa Island ay “puwersahang kinuha” ng Chinese Coast Guard noong Linggo ng umaga.

Tinukoy ng embahada ng China ang lumulutang na bagay bilang parte ng nasirang “fairing” ng isang rocket na inilunsad kamakailan ng East Asian nation.

Itinanggi rin ng China na pilit nilang kinuha ang “debris” at  sinabing mayroong “friendly consultation” sa pagitan ng mga sangkot na partido.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.