Mga mangingisda humihingi ng tulong kontra sa pangha-harass ng China
Spread the news on:

(Photo: Nagsagawa ng mapayapang caravan ang mga mangingisda mula sa Navotas, Masinloc, Zambales at Samahan ng Nagkakaisang Mangingisda laban sa Gutom. Christian Heramis)

Humihingi ng tulong ang mga mangingisda dahil sa umano’y pangha-harass ng China.

Idinaan ng mga mangingisda sa isang mapayapang caravan ang kanilang panawagan.

Hinihiling sa gobyerno ang mga mangingisda mula sa Navotas, Masinloc, Zambales at mula sa samahan ng Nagkakaisang Mangingisda Laban sa Gutom, na aksyunan ng gobyerno sa pamamagitan ng paggawa ng mga polisiya at batas ang umano’y pangha-harass ng China.

Hinikayat din nila ang gobyerno na gumawa ng mga batas na makatutulong sa pamumuhay ng mga kapwa Pilipino sa West Philippine Sea.

Hinihiling din ng mga Pilipinong mangingisda na panatilihin ang paninindigan sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang Nagkakaisang Mangingisda Laban Sa Gutom at Pananakop ay parte ng koalisyon ng Atin ang Pilipinas: West Philippine Sea Advocates, kasama ang mga mangingisda ng Masinloc, Zambales at Navotas.

(Christian Heramis)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.