Mas mataas na multa sa mga ospital na naniningil ng deposit, isinusulong sa Kamara
Spread the news on:

Isinusulong ni Davao Rep. Paolo Duterte na patawan ng P5 milyong multa ang mga ospital na lalabag sa Anti-Hospital Deposit Law.

Sa House Bill 3046 na inihain ni Duterte ay nais niyang itaas sa P5 milyon mula sa kasalukuyang P1 ang multa sa mga ospital o clinic na patuloy na humihingi ng deposit sa mga pasyente bago ito manggamot.

Bukod sa pagpapataw ng mas mataas na multa, kasama rin sa panukala ang pagtatag ng government hotline kung saan agad na makapagrereklamo ang publiko.

Aminado si Duterte na kanyang isinusulong ang panukala matapos na rin makatanggap ng mga ulat na mayroon pa rin lumalabag sa nasabing batas.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.