Marcos nakiramay sa mga namatay sa lindol sa Indonesia
Spread the news on:

(Photo : 5.6 magnitude na lindol sa Java Indonesia. Courtesy: VOA news)

Nagpahatid ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nasawi sa malakas na lindol sa Indonesia nitong Lunes.

“I express my deepest condolences to President @jokowi (Joko Widodo) for the loss of lives caused by the 5.6 magnitude earthquake that hit Java, Indonesia,” sabi ni Marcos sa kanyang Tweet.

“The heartfelt prayers of the Filipino people go out to the families of those lost and affected by this devastation,” dagdag ni Marcos.

 

Patuloy na umaapela ng tulong, partikular ng pagkain at tubig, ang mga naapektuhan ng lindol malapit sa bayan ng Cianjur sa kanlurang Java.

Sa pinakabagong tala, nasa 271 na ang bilang ng mga namatay dahil sa lindol.

Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations sa mga gumuhong gusali.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.