China: Pagbisita ni Harris sa Palawan hindi dapat makaapekto sa interes ng ibang bansa
Spread the news on:

(Photo: U.S. Vice President Kamala Harris sa Puerto Princesa, Palawan, Nov. 22. Courtesy: Philippine Coast Guard)

Sinabi ng pamahalaan ng China na hindi dapat makaapekto o makasira sa interes ng ibang bansa ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan.

“We are not against normal interaction between the US and the Philippines, but their interaction should not be damaging to other countries’ interests,” ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian.

“Our view has always been that exchanges and cooperation between any set of countries should be conducive to the mutual understanding and trust among regional countries and the peace and stability in the region. It should not target or hurt other countries’ interests,” dagdag niya.

Bumisita si Harris sa Puerto Princesa, Palawan nitong Martes, Nobyembre 22, upang makipag-ugnayan sa mga mangingisda at miyembro ng coast guard bilang suporta sa Pilipinas.

“The United States—and the broader international community—have a profound stake in the future of this region,” sinabi ni Harris.

“As an ally, the United States stands with the Philippines in the face of intimidation and coercion in the South China Sea,” dagdag pa niya.

Si Harris ang pinakamataas na opisyal ng US na nakabisita sa Palawan na pinakamalapit sa Kalayaan Group of Islands. Bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas sa pinag-aagawang bahagi ng Spratly Islands sa South China Sea.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.