Cardinal Tagle, pinalitan na bilang pinuno ng Caritas Internationalis
Spread the news on:

Pinalitan na ni Pope Francis si dating Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle bilang presidente ng Caritas Internationalis (CI).

Ito ay matapos ang independent review ng operasyon nito kung saan nakitang mayroong seryosong kakulangan sa “management at procedures” ng ahensya.

Ang Caritas International ay ang charity at disaster relief agency ng Vactican na binubuo ng mahigit isandaang organisasyon.

Ang desisyon ng Santo Papa ay bahagi na rin ng “overhaul” sa leadership ng humanitarian arm ng Vatican.

Dahil sa pagkakatanggal kay Cardinal Tagle sa Caritas, ito ay pansamantalang pamamahalaan  ng  ‘temporary administrator’ hanggang sa makapagtalaga ng mga bagong opisyal sa pamamagitan ng general assembly sa susunod na taon.

Itinalaga ni Pope Francis si Pier Francesco Pinelli, isang Italian management consultant, bilang temporary CI administrator, ayon sa Nov. 21 decree na inilabas ng Vatican.

“With the entry into force of this measure, members of the Representative Council and the Executive Council, the President and Vice Presidents, the Secretary General, the Treasurer and the Ecclesiastical Assistant shall cease from their respective offices,” ayon sa kautusan.

Sa panahon ng transition, aasistihan muna ni Tagle si Pinelli sa paghahanda para sa general assembly ng organisasyon sa Mayy 2023 kung saan maghahalal ng bagong presidente at opisyal ng CI.

Si Tagle rin ang inatasang maging liaison sa member groups ng CI at local churches.

Hindi naman inihayag ng Santo Papa ang dahilan ng nasabing desisyon pero sinabi naman ng Dicastery for Promoting Integral Human Development (DPIHD), na siyang nag-commission ng review na may nakitang kakulangan sa management at procedure, na lubhang nakaapekto sa “team spirit” at morale ng staff ang dahilan sa sa complete overhaul ng pamunuan ng Caritas.

“No evidence emerged of financial mismanagement or sexual impropriety, but other important themes and areas for urgent attention emerged from the panel’s work,” ayon pa sa pahayag.

Ang Caritas Internationalis ang nagsisilbing headquarters ng 162 charity organizations at nasa ilalim ng supervision ng DPIHD.

Ang pagpapalit ng pamunuan ng ay inanunsyo mismo ni Tagle sa isang a plenary meeting ng CI.

Ayon sa report ng Vatican News website, sinabi ni Tagle na: “This news might be a bit disturbing or confusing to some of you. But rest assured that this decision of the Holy Father came after a careful and independent study of the working environment of the secretariat and the governance exercised by responsible persons and bodies.”

“A call for walking humbly with God and a process of discernment, confronting our unfreedoms and following the spirit of freedom, [and] at the same time, the walking together of different cultures in their unique expressions of humanity,” ito naman ang pagtingin ng cardinal kaugnay ng nasabing reorganization.

Sa text message naman sa pahayagang Inquirer, sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Bishop Pablo Virgilio David na inasahan nila ang pagkakatanggal kay Tagle bilang pinuno ng CI mula pa noong italaga rin siyang pinuno bilang “prefect ng Dicastery for the Evangelization of Peoples.”

“Good heavens, those are two full-time jobs that cannot possibly be handled by one person. Understandably, it took time before Pope Francis could find a replacement and implement a long overdue reorganization of Caritas,” sabi pa di David.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.