Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at US, rerepasuhin ng administrasyong Marcos
Spread the news on:

Sinabi ni National Security Adviser Secretary Clarita Carlos na binuo ang isang study group para suriin ang  1951 Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Ang study group ani Carlos ay kinabibilangan ng  National Security Council (NSC),  Department of National Defense (DND), at  Department of Foreign Affairs (DFA),

“Binigyan na kami ng directive ng Presidente. Ako ang magle-lead noon.The NSC, the DND, and the DFA nag-form na kami ng study group para talagang malinaw ito at ma-review,” ayon kay Carlos.

Sinabi ni Carlos,  walang ‘automaticity’ sa ilalim ng  MDT para sa alinman  sa mga bansa na palawigin ang tulong sa oras na atakihin ang  iba.

Ito aniya ay kailangan na sumailalim sa constitutional processes.

“They will go through their constitutional processes. Ibig sabihin yung Kongreso nila, yung Presidente nila ,” ani Carlos.

“The Philippines also needs to review the MDT considering that its Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) with the US, which is envisioned to advance the implementation of the MDT, is up for termination or renewal in April 2023,” dagdag na pahayag ni Carlos.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.