Pitong lalawigan nakapagtala ng ‘very high’ COVID-19 positivity rate
Spread the news on:

(File photo)

Nakapagtala ng “very high” o mas mataas sa 20% na COVID-19 positivity rate ang pitong probinsya sa bansa.

Ito ang sinabi ng OCTA Research Group kung saan ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpositibo mula sa mga sinuri sa COVID-19.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang pitong probinsya na may very high positivity rate hanggang nitong Nobyembre 19 ay ang Isabela na nasa 49.4 %, Tarlac 37.7% at Camarines Sur na may 35.2% positivity rate.

Pasok din ang Aklan na aabot sa 34.9%, Benguet 24.7%, Misamis Oriental 20.9% at La Union na nasa 20.7%

Sinabi ni David na ang positivity rate sa Metro Manila ay halos hindi nagbago mula sa 7.5% nitong Nobyembre 12 na naging 7.6%.

Sa panuntunan ng World Health Organization (WHO), inirerekomenda na dapat ay nasa 5% o mas mababa lamang ang positivity rate ng COVID-19 para masabi na nakokontrol na ito.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.