Vaccination pre-registration isinusulong para iwas-panis ng bakuna
Spread the news on:

Kasunod ng mga ulat na may 31.3 milyong doses ng COVID-19 vaccines na nasayang sa Pilipinas, sinabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion na nagpapatunay ito na ang pinakamainam na hakbang para maiwasan ang wastage ay ang pagsasagawa ng pre-registration ng mga nais magpabakuna.

Inihayag ito ni Concepcion kasunod ng ulat nitong nakaraang linggo na nasayang sa Pilipinas ang  halos P15.6 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines hanggang ngayong Nobyembre, na lampas sa 10 porsyentong threshold ng World Health Organization (WHO).

“It was bound to happen. We need to learn from this experience and start pre-registering those who are willing to be vaccinated,” sabi ni Concepcion.

Sumulat si Concepcion kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Oktubre, upang alukin ang DOH ng listahan ng mga empleyado mula sa private sector na handang magpabakuna. Target ng istratehiya na tiyakin na magagamit ang mga mga bibilhing bakuna ng pamahalaan.

“Through this pre-registration, we will minimize wastage,” sabi ni Concepcion.

Iminungkahi rin niyang i-adopt ng local government units (LGUs) ang pre-registering scheme upang malaman kung sino sa mga residente ang nais magpabakuna.

“From our experience with the past rollouts, there is a need to lay down clear guidelines for vaccinations so we avoid delay and confusion,” ayon pa kay Concepcion.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.