31 M doses ng COVID-19 vaccines sa halagang P15 bilyon nasayang – DOH
Spread the news on:

(File photo)

Nasayang ang mahigit 31 milyong doses ng COVID-19 vaccines, batay sa datos ng Department of Health (DOH). Ito ay katumbas ng 12 porsyento ng mahigit 250 milyong doses ng bakunang binili at natanggap ng bansa.

Inilahad ang datos sa budget deliberations ng DOH sa Senado.

Ayon kay Senador Pia Cayetano, na siyang sponsor ng 2023 proposed DOH budget, ang nasayang na mga bakuna ay tinatayang P15.6 bilyon ang halaga.

“The 12 percent wastage cost is estimated – and the reason I have to emphasize ‘estimated’ is because even the DOH does not know the cost because this was procured through an NDA, non-disclosure agreement… the cost is P15.6 billion,” ani Cayetano.

Ayon sa senadora, ang dahilan ng wastage ay ang pag-expire ng mga bakuna, ang mas maigsing life span, at ang pagkasira ng bakuna dahil sa natural disaster o kalamidad.

“The total wastage is 31.3 million (doses) and that is 12 percent of the total, which, I will add, is within the allowed percentage of wastage… But of course, this does not mean that just because it is in the allowed percentage that DOH is not striving to improve that number,” sabi ni Cayetano.

Sinabi ng DOH na may iba pang mga bansa kung saan nasayang ang bakuna laban sa COVID-19 na nasa 10 porsyento, tulad ng COVAX facility.

Base rin sa World Health Organization (WHO), sinabi ni Cayetano na aabot pa sa hanggang 30 porsyento ang wastage sa ilang bansa.

“For the record lang din… we also have a lot of donated vaccines. As recipients wala naman tayong control kung malapit na mag-expire ‘yun. But they will also fall under our inventory. Especially in the early days, we don’t say no to donations,” sabi pa ni Cayetano.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.