CA ibinasura ang petisyon ni Navarro sa acquittal ng grave coercion sa isang akusado
Spread the news on:

(File photo)

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng aktor at TV host na si Vhong Navarro para busisiin ang naunang desisyon ng Taguig City regional trial court (RTC) na nagpawalang-sala kay Sajed Fernandez, alias “Jed Fernandez” sa kasong grave coercion na isinampa ni Navarro.

Una nang binaliktad ng RTC ang desisyon ng metropolitan trial court (MeTC) na hinatulang guilty si Fernandez sa kasong grave coercion at nagpataw ng parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon.

Ayon sa kampo ni Navarro inabuso ng Taguig court ang pagpapasya nang i-acquit si Fernandez.

Giit naman ng CA nabigyan ng pantay na oportunidad si Navarro at lahat ng mga akusado para mapakinggan at dumaan sa due process ang paggulong ng kaso sa RTC.

“Navarro failed to show that the public respondent Judge hampered the prosecution’s evidence in any way,” ayon sa CA.

“On the contrary, the records reveal that Navarro and all the accused were not denied the opportunity to be heard as they were required to file their appeal memorandum.”

“Navarro cannot feign denial of due process where he had been afforded the opportunity to be heard by the RTC.”

“All told, We find no cogent reason to reverse the assailed Judgment of the RTC. WHEREFORE, in view of the above reasons, the Petition for Certiorari is DISMISSED. SO ORDERED,” base sa desisyon ng CA na isinapubliko nitong Nov. 11, 2022.

Ang kaso grave coercion ay may kaugnayan sa insidente noong Jan. 22, 2014 sangkot sina Navarro at grupo ni Deniece Cornejo, Ceric Cua Lee, Bernice Lee, Simeon Palma Raz Jr., Jose Paolo Gregorio A. Calma, Fernandez, at Ferdinand Guerrero.

Giit ni Navarro siya’y ginulpi ng grupo ni Cornejo sa kanyang condominium unit sa Taguig City.

Tinakot din umano siya, tinutukan ng baril at pinilit na amining ginahasa si Cornejo.

Una nang napawalang-sala sa kasong grave coercion sina Raz at Calma.

Noong Huly 2019, ibinasura ng RTC ang apela nina Cornejo at Lee pero pinakinggan ang apela ni Fernandez na pinawalang-sala sa kaso.

Kaugnay pa rin sa grace coercion, nakabinbin naman sa Taguig City RTC Branch 69 ang rape case na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro, habang ang kasong act of lasciviousness ay nasa Branch 116 ng Taguig MeTC.

Iniutos na ng RTC na ilipat si Navarro sa Taguig City jail mula sa detention facility sa Maynila kung saan siya sumuko matapos ilabas ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong rape.

(NP) 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.