K-pop power divas Mamamoo darating sa Maynila sa Pebrero
Spread the news on:

(Photo: Mamamoo members Moonbyul, Solar, Wheein at Hwasa. Courtesy: Mamamoo Facebook)

Darating sa Maynila ang sikat na K-pop power divas na Mamamoo sa Pebrero!

Ito ang inanusyo ng South Korean girl group sa social media bilang bahagi ng kanilang “My Con” world tour.

Bukod sa Maynila, tutungo rin ang grupo sa Hong Kong, Taiwan, Singapore at Kuala Lumpur.

Ang Mamamoo ay binubuo nina Solar, Moonbyul, Wheein at Hwasa, at kilala sa kanilang power vocals at dynamic performances.

Kabilang sa kanilang chart-toppers ay “Decalcomanie,” “Egotistic,” “Dingga,” “Hip” at “Mr. Ambiguous.”

Nagkaroon ng comeback ang Mamamoo nitong Oktubre sa pamamagitan ng EP na “Mic On.”

Wala pang anunsyo sa venue at ticket prices ng kanilang Manila concert.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.