5-year old Aleia Aguilar, pinakabatang World Jiu-Jitsu champion; isa pang batang Pinoy, kampeon naman sa chess
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Alvin Aguilar FB)

Nasungkit ng limang taong gulang na batang si Aleia Aielle Aguilar ang gintong medalya sa Kids 1 Girls White Belt 16kg-B category sa ginanap na Abu Dhabi World Jiu-Jitsu Festival sa Abu Dhabi nitong Biyernes, November 11.

Tinalo ni Aleia si Gabriel Vercosa ng Brazil sa final match.

Pinatunayan lamang ni Aleia na nasa dugo niya ang pagiging kampeyon.

Ang kanyang ama na si Alvin Aguilar ay ang founder ng Philippine Mixed Martial Art at Asian Champion sa Tokyo.

Ang ina naman niyang si may masuda ay ang kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa World Jiu Jitsu championship noong 2009.

Dahil sa panalong ito ni Aleia ay siya na ang itinuturing ngayon bilang pinakabatang Jiu Jitsu World Champion.

Samantala, itinanghal na kampeyon din ng 6th Asia Youth Chess championship sa Bangkok, Thailand ang siyam na taong gulang na batang taga-Oas, Albay.

Si Bince Rafael Operiano ng Barangay Busac, Oas, Albay ay ang kinatawan ng Pilipinas 2022 Eastern Asia Youth Chess Champion mula noong November 4 hanggang 12.

(Photo: Kinilala at winelcome ng Local Government Oas si Bince Rafael Operiano, ang champion sa 2022 Eastern Asia Youth Chess Champion na ginawa noong Nov. 5-12,2022  Bangkok, Thailand. Courtesy: Nov. 14, 2022. Oas Municipal Hall)

Nadiskubre ang galing ni Operiano sa chess matapos siyang manalo sa national age group kiddie category na ginanap sa Albay Astrodome bago mag-Covid-19.

Nakapag-compete siya sa Thailand dahil sa mga sponsor matapos siyang manawagan ng tulong.

Nitong November 14, Lunes ay kinilala si Operiano at winelcome ng mga kababayan sa Oas, Albay.

Binigyan din siya ng cash incentive mula kay Mayor Ging Escoto dahil sa pagbibigay ng karangalan sa kanilang bayan at sa Pilipinas.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.