Carlo Paalam, wagi ng gintong medalya sa Asian Boxing Championships
Spread the news on:

(Photo courtesy: Carlo Paalam FB)

Isa na namang Pilipino ang nagtaas ng bandila ng Pilipinas matapos manalo sa boxing.

Wagi ng gintong medalya ang Olympian na si Carlo Paalam sa ASBC Asian Women’s and Men’s Elite Boxing Championships sa Amman, Jordan nitong Sabado, November 12.

Nakapag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas si Paalam matapos manalo via split decision laban kay Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan sa men’s bantamweight finals o 54-kilogram asian elite boxing championship.

(Photo Courtesy: Carlo Paalam FB)

Umiskor si Paalam ng 30-27 mula judge sa United Arab Emirates; 29-28 mula naman sa mga judge ng Slovakia, India at Ireland.

Tanging ang judge mula sa Italy ang nagbigay ng 29-28 na score pabor sa katunggali ni Paalam.

Bago ang kanyang panalo sa gintong medalya, pinatumba ni Paalam si Sanzhai Seidakmatov ng Kyrgyzstan sa semis para umabante sa title clash.

Sa kabuuan, nakapag-uwi ang Pilipinas ng tatlong medalya sa continental tiff matapos masungkit ang bronze ni Nesthy Petecio sa women’s featherweight at Hergie Bacyadan sa women’s middleweight.

Binati naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Carlo Paalam sa kanyang panalo.

(Photo Courtesy: Bongbong Marcos FB)

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.