Solo winner mag-uuwi ng higit P21-M sa Mega Lotto 6/45
Spread the news on:

Instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Taytay, Rizal matapos matumbok ang six-digit combination na 16-13-02-19-11-07 ng Mega Lotto 6/45 draw nitong Biyernes, November 4.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), iuuwi ng winner ang premyong P21,436,089.60 na maaaring makuha sa main office sa Mandaluyong City.

Kailangan lang ipakita ng winner ang winning ticket at dalawang identification cards.

Papatawan ng 20 porsyentong buwis ang lotto winnings na mahigit P10,000, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Samantala, 55 naman ang nagkamit ng tig-P32,000 sa pagtumbok ng lima sa six winning digits, habang 2,678 ang makakukuha ng tig-P1,000 para sa apat na tamang numero at 34,828 ang magkakaroon ng tig-30 para sa tatlong tamang numero.

Binobola ang 6/45 Mega Lotto kada Lunes, Miyerkules at Biyernes.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.