Blue-tick users ng Twitter, magbabayad na ng $8 kada buwan
Spread the news on:

Maniningil na ang social media platform giant, Twitter, ng $8 (P464) kada buwan para sa mga user na gustong magkaroon ng blue tick sa kanilang mga account.

Ito ang inanunsyo ng bagong may-ari ng Twitter, ang billionaire na si Elon Musk.

Ang blue tick ay inilalagay sa mga verified account ng Twitter.

Marami sa meron nito ay mga journalist at mga lehitimong organisasyon.

Bago ang take-over ni Musk, libre lang ang blue-tick.

Gayunman, ayon sa ilang kritiko ng hakbang ni Musk, kapag may bayad na ang blue-tick, mas magiging mahirap nang matukoy ang reliable sources sa Twitter.

Pero sabi ni Musk, magiging prayoridad ang mga magiging paid users ng Twitter sa mga reply at search, at maging sa advertisement.

“Power to the people! Blue for $8/month,” tweet ni Musk sa pagbatikos naman niya sa datig paraan para magkaroon ng blue tick verification na tinawag niyang “lords and peasants system”.

Sa ngayon, kailangan mag-apply online ang isang Twitter user para sa blue-tick verification.

Pero naka-reserve ito para sa mga taong target ng identity theft gaya ng mga celebrity, politiko at mga journalist.

Ipinatupad ito ng Twitter noong 2009 matapos ihabla ng ilang users dahil sa pagwawalang bahala para mapigilan ang mga imposter account.

Ang $8 monthly fee para sa mga blue-tick users ay mas mababa sa naunang balak ni Musk na $20.

Umani kasi ito agad ng batikos sa maraming mga user, kabilang na ang sikat na author na si Stephen King na sinabing imbes siya ang magbayad sa Twitter, dapat umanong siya ang bayaran ng kumpanya.

Sinagot naman si King ni Musk at sinabing:
“We need to pay the bills somehow!”

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.