Henry Sy Jr. may partnership kay tech billionaire Elon Musk para sa high-speed internet service
Spread the news on:

(Photo: SpaceX CEO at founder Elon Musk. Courtesy: Wikimedia Commons)

Nakipag-partner ang kumpanyang pag-aari ni Henry Sy Jr. sa Starlink ni US tech billionaire Elon Musk upang maghatid ng high-speed internet sa Pilipinas.

Ayon sa Data Lake Inc na pag-aari ni Sy at negosyanteng si Anthony Almeda, ang kanilang kumpanya ang magiging unang Starlink integrator sa bansa at sa buong Southeast Asia.

“The Philippines is an archipelago, and connecting our country to the wider world often requires extensive infrastructure,” ayon kay Almeda.

“With the largest constellation of satellites in orbit, Starlink is a flexible service uniquely capable of providing high bandwidth, reliable internet to the country. This is crucial particularly with communications in times of natural calamities,” dagdag niya.

Ang pamilya Sy ang nasa likod ng SM Investments na nasa negosyo ng retail, property development at banking.

Ayon sa SpaceX, operator ng Starlink, umaasa silang makagpaghahatid ng magandang serbisyo sa mga Pilipino.

“We look forward to making the service available in the Philippines in the coming months, and we’re grateful to those who have aided in our ability to connect everyday people, businesses, and government entities,” ayon kay SpaceX Vice President of Starlink Sales Jonathan Hofeller.

Maglulunsad ang Starlink ng libu-libong satellites sa low Eearth orbit na may kakayahang maghatid ng high-speed internet kahit sa mga liblib na lugar sa mundo.

Ang monthly fees para sa commercial coverage sa Pilipinas ay magsisimula sa halagang $99.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.