P188-M jackpot sa Super Lotto sapul ng solong mananaya
Spread the news on:

(Courtesy: Philippine Charity Sweepstakes Office)

Instant milyonaryo ang isang mananaya mula Bulacan matapos matumbok ang winning combination ng SuperLotto 6/49 sa katatapos na draw kagabi, Oct. 23, 2022.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination sa draw ay 09-03-19-13-20-29 na may jackpot prize na P188,471,378.80.

Aabot naman sa 171 indibidwal ang makakapag-uwi ng tig-P50,000 matapos makuha ang limang kombinasyon.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Mel Robles, nabili ang ticket sa isang outlet sa Guiguinto, Bulacan.

Hiindi naman nahulaan ang six-digit winning combination na 39-07-58-37-50-16 ng UltraLotto 6/58 na binola rin nitong Linggo ng gabi kaya’t hindi pa rin naiuwi ang jackpot prize na P152,287,283.60.

Inaasahang madaragdagan pa ang naturang premyo sa susunod na bola sa Martes.

Ang SuperLotto 6/49 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 ay binubola naman tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Nitong Sabado lang, Oct. 22, may solo winner din ng P35-M jackpot ng 6/55 lotto para sa winning combination na 44-50-07-52-46-36.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.