HSUD: Programang pabahay ni Marcos lilikha ng 1.7-M trabaho kada taon
Spread the news on:

(file photo)

Inaasahang makapagbibigay ng 1.7 milyong trabaho kada taon ang umano’y agresibong pagsusulong sa proyektong pabahay ng pamahalaan, ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, nakuha ang nasabing bilang ng trabaho batay sa pag-aaral na nasa walong manggagawa ang kakailanganin sa konstruksyon ng isang housing unit.

Nasa isang milyong housing units bawat taon ang target ng DHSUD.

“Other than the increase of cash flow in the housing sector market, the housing program will also provide employment to many jobless Filipinos. It is projected to have direct and indirect jobs in the sector especially in areas where mid-rise to high-rise units will be built,” sinabi ni Acuzar.

“The significant number of jobs is seen to contribute in the administration’s post-pandemic recovery efforts and in furtherance of the 8-point economic agenda of the Marcos administration,” dagdag pa niya.

Magandang tugon, aniya, ito sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority nitong Agosto na mayroong 2.68 milyon Filipino ang walang trabaho.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.