Kahit itinanggi ng PCSO na may iregularidad, senado tuloy ang imbestigasyon sa Grand Lotto 433 winners
Spread the news on:

(Photo: PCSO 6/55 Grand Lotto. October 1, 2022. Courtesy: Screengrab from PTV FB)

Tuloy ang paghahain ni Senador Koko Pimentel ng resolusyon para imbestigahan ang kontrobersyal na draw ng 6/55 Grand lotto.

Sabi ni Pimentel, nakagugulat at kaduda-duda umano ang resulta ng lotto draw kung saan 433 ang nanalo sa mahigit P236 milyong jackpot prize.

Katunayan, mayroon na umano siyang draft ng resolusyon at hindi pa lang niya maihain dahil abala sila sa mga budget hearing.

Giit ni Pimentel, mahalaga na mabusisi kung paano nangyayari na nagkaroon ng multiple lucky pick winners ng “multiples of 9” jackpot result.

Dagdag pa niya, mula sa 28.9 million possible combinations ay nagkaroon ng multiple lucky pick winners. Hindi na aniya ito alaga, ayon pa kay Pimentel.

Samantala, una nang ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) na walang iregularidad sa 6/55 grand lotto draw kung saan 433 na mananaya ang nanalo.

Sa isang press briefing, sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na bukas naman ang sweepstakes office sa imbestigasyon, pero iginiit nilang walang mali sa pagkapanalo ng 433 mananaya na nanalo sa lotto.

Ayon pa kay Robles, maituturing umano itong “natural occurrence” kung saan maraming mananaya ang nag-aalaga ng mga nasabing numero, bagama’t ito ay hindi pangkaraniwan

“Yes tuloy ang reso ko. There are multiple lucky pick winner of the “multiples of 9” jackpot result. How can that happen? Hindi na yan “alaga. Multiple lucky pick winners out of 28.9 million possible combinations? We need to make sure that these games have integrity,” dagdag pa ni Pimentel.

Ayon kay Pimentel, kung matuloy ang mga hearing magpapatawag din naman sila ng statisticians habang abibigyan din ng pagkakataong magpalaiwanag ang PCSO.

Samantala, suportado naman ni Senador Risa Hontiveros ang panawagan ni Pimentel na mapaimbestigahan nasabing kotto draw.

“We just want rule out any doubts in the public mind that the results have been manipulated. While we recognize that people tend to bet in patterns, we also want to make sure the system is secure, free from glitches and trustworthy,” sabi pa ni Hontiveros.

Para naman sa UP Math professor na si Dr. Guido David, bagamat hindi pangkaraniwan ay hindi rin naman imposible para manalo ang 433 na mananaya ng P237, 091, 188.40.

Sabi pa ni Guido na mayroong 29 milyong kombinasyon para sa anim na numero ang kinakailang upang manalo sa 6/55 Grand Lotto jackpot. Nangahulugan ito na kung tataya ang isang indibidwal sa 29 milyong kombinasyon, inaasahang mananalo siya nang isang beses.

Ang hindi umano pangkaraniwan ay marami ang nakakuha ng tamang kombinasyon.

“Ang napansin natin na medyo unusual ay yung maraming nanalo. 433. Parang hindi nangyayari ito madalas, in fact bihirang-bihira,” sabi ni David.

Pabor naman si David na maimbestigahan din ang nangyaring lotto draw.

(Estrella Bueno/Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.