Pimentel paiimbestigahan ang resulta ng lotto draw na 433 ang nanalo: Katakataka ‘yang result na ‘yan
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Senate of the Phils. FB)

Paiimbestigahan sa senado ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang resulta ng 6/55 lotto draw nitong Sabado ng gabi, October 1, kung saan 433 ang nanalo sa jackpot prize na mahigit P236 million.

Ayon kay Pimentel kaduda-duda na pare-pareho ang tinayaang winning combination na 09-45-36-27-18-54 ng mahigit 400 mananaya.

“Katakataka ‘yang result na yan. Yung pagiging divisible by 9 ano lang independent event yan, relationship between numbers lang yan, pwede syang by accident. Pero yung 433 ang mananalo sa  supposed to be ang chances mo dyan one in many billion to say na 433 ang tumama, there is something suspicious, pahayag ni Pimentel.

Maghahain si Pimentel ng resolusyon sa senado para busisiin ito at mahingan ng paliwanag ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Siguro magpa-hearing na lang tayo para tanungin ang PCSO kung mga lucky pick ba itong mga winners na ito, that means, system generated yung number ng tumaya. Therefore, there is nothing random about their lucky pick, kasi ibig sabihin nun binigay nila sa 400 katao,” dagdag pa ni Pimentel.

Mahalaga aniyang may integridad ang mga gambling games na binigyang otorisasyon ng pamahalaan na makapag-operate sa bansa tulad ng lotto.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.