433 na mananaya panalo sa lotto, maghahati-hati sa higit P2M na jackpot
Spread the news on:

Panalo ang 433 na mananaya ng P236,091,188.40 jackpot prize sa
6/55 Grand Lotto nitong Sabado ng gabi, October 1.

Batay sa 9 p.m. draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office, 433 katao ang nakakuha winning combination na 09-45-36-27-18-54.

Ibig sabihin, maghahati-hati ang mahigit sa 400 na nanalo sa jackpot prize na P236,091,188.40 o ₱545,245.24 bawat isa.

Mayroon ding 331 na nanalo ng second prize na may premyong P100,000 at  2,491 na third prize winner na may premyong P1,500.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.