VP at DepED Sec. Duterte iminungkahing gamitin ang face shield sa paaralan bilang alternatibo sa face mask
Spread the news on:

(Photo: VP Sara Duterte sa pagdinig ng House of Representatives’ Appropriations Committee sa budget proposal ng Office of the Vice President at Department of Education para sa 2023, Sept. 14, 2022. Courtesy: Duterte Facebook)

Matapos payagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor settings simula nitong Setyembre 12, iminungkahi naman ngayon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na muling gamitin ang face shield sa mga paaralan bilang alternatibo sa face mask.

Sa inilabas na DepEd Order No. 39 series of 2022 na may petsang Setyembre 22, binigyang-diin ni Duterte ang mga health at safety protocols na dapat pa ring ipatupad sa mga eskwelahan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng pandemya.

Sa DepEd order, pinaalala na mandatory ang pagsuot ng face mask ng mga teacher at estudyante sa enclosed spaces.

“Wearing of face masks shall be mandatory for all personnel, learners, and visitors inside classrooms, laboratories, and other school rooms, but shall be voluntary in open spaces, or non-crowded outdoor areas with good ventilation, as well as in playing sports and other physical activities,” base sa kautusan ng Duterte.

Gayunman, batay rin sa DepEd order 39, iminungkahing maaaring gamitin ang face shield bilang alternatibong proteksyon sa COVID-19, para sa partikular na sitwasyon o aktibidad kung saan kailangang tanggalin ang face mask para makita ang buong mukha ng indibidwal.

“During these specific activities, safe distance, adequate ventilation, and proper hygiene shall be strictly ensured at all times,” base sa order ng Kagawaran ng Edukasyon.

Tinanggal na ang pagsusuot ng face shield simula noong isang taon matapos aprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 2021,  na hindi na requirement ang face shield bilang proteksyon kontra COVID-19, at maaari nalamang itong isuot sa “3Cs” o closed and crowded spaces at mga aktibidad na maaaring magkaroon ng close contact.

(NP with report from Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.